Eto ang workplace ko... Dito ko ginugugol ang walong oras o kung minsan ay lagpas pa sa isang araw, limang beses o kung minsan ay lagpas pa, sa isang linggo... At ang lugar na ito ang nagbibigay sa akin ng salapi.

Kaya nga magpapalit na ko ng style sa pagboblog, yung may kasamang nang pics para may pag-usapan, kasi nahihirapan na kong mag-isip ng topic. Parang pagsinasabihan ako ng babae na magkwento daw ako para mabasag yung katahimikan, e ang tanong ko, ano bang ikekwento ko... Yun, makakapagpicture-picture na ko kasi nakapagpalit na ko ng cellphone na medyo malinaw yung camera. At dahil yan sa lugar na ito... Sa lugar na ito ko lang napapaikot emosyon at pakiramdam ko, kung minsan masaya, tawanan, kung minsan badtrip, kung minsan kabado't pressured, kung minsan napapapikit sa antok, kung minsan nanginginig sa lamig, kung minsan najejebs, at marami pang iba...

Posted by Dukeboxxx on December 13, 2008 at 01:13 PM | 1 na nagsalita

Tinamaan nanaman ng malas... kelangan ko na masanay na mabuhay kasama ang aking alaga. Si Malas... Wala akong magagawa kung nakabuntot na siya sa akin kaya ang paraan ko na lang ay mabuhay kasama siya, habang nakabuntot siya. Di ko alam kung pano nya ko nasundan, kung saan sya dumikit sa akin pero may hinala na ako. Kaya bukod dahil sa librong "The Alchemist" ni Coehlo, natutunan at naniniwala akong hindi lang ang nakikita nating natural na gumagalaw ang may kaluluwa. May masmalalaki pang mga bagay na merong kaluluwa at kapag naagrabyado mo sila, di mo kayang labanan ang puwersa nila, ang tanging magagawa mo na lang ay humingi at humingi ng tawad. Kung tayong mga tao ay pinaglalaruan lang ang mga nilalang na masmaliit sa atin at mastanga sa atin, di natin iniisip na may masmalaking mga nilalang sa atin na pinaglalaruan lang tayo kung minsan at ginagamit lang tayo at tulad ng asong tinatadyakan natin kapag maingay sa pagtahol, pagnagkamali tayo sa pagkontra at pagbulabog sa mga nilalang na ito, parang tayong gomang malalagot. Baka nga hindi si Malas ang nakabuntot sa akin, baka ako ang nakabuntot at hila-hila niya ngayon...

Tutal nabanggit na rin ang "The Alchemist", "All is one" sabi dun. Sa tagalog, "Ang lahat ay Iisa", nung pauwi ako, pagod galing trabaho. Ito yung oras kung san nakakapagnilay-nilay ako, ika nga ay Soul Searching, dun ko naisip ng malinaw ang ibig sabihin nito. Etong pagtataype ko ng blog ngayon, kahit gano kaliit na bagay to para sa akin, o kahit ano pang anumang gawain, ay makakaapekto sa lahat ng tao at nilalang na may buhay, o lahat ng may kaluluwa, o lahat ng bagay sa mundong ito o maging sa labas ng mundong ito. Kumbaga sa pelikula ay "Butterfly Effect". Di mo siguro magegets pero kung makakapasok ka sa loob ng katawan at isip ko. Maiintindihan mo at katatakot-takot na sakit ang mararanasan mo... 

 

Posted by Dukeboxxx on October 11, 2008 at 03:02 PM | MASASABI?

 

Ayos, walang pasok bukas... Makakapagpahinga...

Boyswuet!

Kung makikipag-usap kayo sa cellphone sa FX, pede bang malumanay lang. Nakakaistorbo kayo sa ibang taong nakasakay na nagniniliay-nilay o pumipikit para magpumilit matulog. Lalo na kung sobrang tinis at anlakas ng boses nyo na nakakatulilig sa tenga at yung usapan nyo sa kabilang linya e puro problema na kahit naririnig lang ng ibang tao ay naiistress din. Sabayan pa ng FX na ant takbo e 3.7568032 Kilometers per Hour na inuubos muna lahat ng sasakyan sa bawat intersection bago tumawid. At bago yun ay kasama ang katrabahong napipilitan lang samahan at lahat ng sinasabi mo'y may pandaig sya at gustong yung kuro-kuro nya ang masunod at sya ang bida at malamang ay binabakstab ka rin tulad ng pagbakstab nya sa iba at ang topic ng kwentuhan nyo'y nagpaulit-ulit na ng siguro'y mga 137th na beses. Hay buhay.

" Sitting in the car
With the radio
Turned to static
Feeling quite tragic
And with one strategic blow"

-Funeral For A Friend, Drive

Minsan kelangan natin makiramdam. Sa ekspresyon pa lang ng ibang tao, sa galaw ng mata, sa biglang pagtigil ngumiti, sa "oo nga" na tamang makisakay lang, sa biglang pagtingin sa malayong lugar, mahahalata mo na na ayaw ng ibang tao ang ginagawa o sinasabi mo... "Sympathy"

Panood ko sa You Tube yung Q and A ni Janina San Miguel nung nanalo sya bilang representative sa Miss World kamakailan. Grabe, nahiya ako para sa kanya, pinagtawanan sya at pinagtawanan ko sya hehehe. Bilib ako kung pano nya nadala yun. Malupit na rin. Yun, umatras na pala sya dahil namatay ata lolo nya. Sa totoo lang wala akong nakikitang problema sa nangyari sa kanya. Parang si Pacman. Kung minsan yang pamali-maling pag-ingles pa nga ang makakapagpakita ng pagiging pagkamakabayan. Na ibig sabihin, mas ginagamit mo yung Filipino. Hindi porke hindi ka marunong mag-ingles ay bobo na. In opposite vernacular, what's making me sick, worse than that mistakes in grammar and pronounciation shits, are those Agents who are trying to talk in english in public places with their bad eyebugs showing. Also those public figures with powdered-ass-faces answering in interviews talking english with accent while knowing they all learned them from their comrades' interview answers and when  trapped in a difficult situation will use ala-Conyo-english-tagalog-gay-lingoish-dialect. Dah Bah?!....

 

Posted by Dukeboxxx on September 30, 2008 at 02:07 PM | 1 na nagsalita

Madali lang...

Pagkatapos ng matagal na panahon nakapanood nauli ako ng sine kagabi. Eagle Eye. Iba na pala itsura ng sinehan sa mega. Iba na itsura ng upuan. Di na pede patungan ng paa yung kaharap mo. Ok rin, masarap kaadikan lalo na kung may kasama. Kaso ang mahal. Yung pelikula, ok. Talagang fictional sya dahil para sa akin malabong mangyari pero malupit yung nag-isip ng konsepto. Pero ang malupit yung aksyon. Daming pinataob na sasakyan, tamang-tama at adik pa naman ako sa Need For Speed Carbon ngayon...


Teka nga, this "emo" word is fuckin killing me... ala Holden Caulfield...

Posted by Dukeboxxx on September 27, 2008 at 01:45 PM | MASASABI?

Ang swerte ko kahapon...

Di ako sumabay kay erpats papasok ng opisina dahil tanghali pa sya papasok. Nagmamadali akong umalis ng bahay dahil alam kong madaming pasahero ng FX paOrtigas pag Lunes ng umaga. Bago umalis kinuha ko yung Lock 'n Lock na lalagyan ko ng tubig na ginagamit ko sa opisina na hinanda ni ermats. Inuuwi ko yun araw-araw dahil tinatamad na ko maghugas sa pantry sa opisina dahil madalas may pila sa lababo. Kinuha ko sa mesa, nilagay ko sa bag ko at lumarga na. Maaga-aga pa ako dahil di pa nagsisimula magkaroon ng pila sa FX, nakasakay ako agad, sa likod. Pero naabutan na ko ng traffic, pag-ganung oras ako umalis, mga 7:30 AM nasa opisina na dapat ako pero mga 7:45 AM kakababa ko pa lang sa my Center Point building at maglalakad pa ko pa buliding ko sa Tektite. Nung nasa Ministop na ko sa harap ng Tektite, papasok sana ako para bumili ng mamemeryenda sa opisina ng maramdaman kong anlamig ng bag ko. Kinapa ko at malamig nga, naisip ko na. Pagtingin ko sa loob, tumapon yung tubig ko, basa ung dala kong uniform. Unang beses ko pa lang isusuot yun dahil kakaissue lang sa akin. Basang-basa, walang nang laman yung container. Ang masama, yung MacArthur na libro ni Bob Ong na nasa bag ko dahil isasauli ko na sa kaopisina ko dahil tapos ko na basahin, nabasa din. Umagang-umaga, di na ko tumuloy paMinistop dahil naisip kong isampay habang maaga. Buti nakaPoloshirt ako at yung undershirt sana na isusuot ko ay basa din sa bag. Yun, e di sinampay ko yung mga nabasa. Badtrip pa nga ako dahil pinagtawanan pa ko ng ilang *^@^%$^@$(@!#! kong kaopisina nung sinabi ko nangyari. Umagang-umaga. Yun, simula na ng trabaho. Ilang oras nakalipas, magpiprint ako at pumunta sa Printer Area ng may nakita kong kakaiba sa sapatos ko, pagtingin ko nakabuka yung suwelas. &(*@&&$#()!*#! Malas! Umaga pa rin nun, simula pa lang ng araw ko, sira na. Buong maghapon na lang akong nag-isip ng plano sa mga problema ko at nagnilay-nilay kung bakit ba tinatamaan ng sunod-sunod na kamalasan ang tao, sa iba't-ibang paraan. Yung sapatos ko kelangan nang palitan dahil nasira talaga, gastos. Tingin ko nung bumaba ako sa FX, nahirapan ako dahil parang natapakan ako nung lalaking kaharap ko sa likod. E madalas  ang ulan ngayon. Napuruhan, $^#^$#*($_@!$! kasi yung masikip na FX at yung pagkakapuwesto ng paa nung malaking lalaking yun.

Buti naayos din ang lahat sa araw na yun. Natuyo yung damit ng lunch dahil sinampay ko sa kwarto ng Air Handling Unit ng opisina namin kung saan marami ding nagsasampay lalo yung naggygym pag umaga dahil malakas hangin. Nasuot ko yung uniform ng ala-Una, buti din di ako nasita ng HR na si Arn-Arn na naglibot. Yung libro, ok lang daw, pero sabi ko papalitan ko na lang pero yung ibang libro na ni Bob Ong na parehas naming di pa nababasa. Yung sapatos, kinagabihan, pili ako sa Mega. Buti may extra pa kong pera. Bumili ako. Yung balat na, yung bagong style at uso at yung hindi kahoy yung suwelas na may segment segment. Hindi na yung tagse700 pesos na bili ko dun sa nasira kong sapatos na tumagal ng less than isang taon. Medyo mahal nga lang pero sulit na rin. Yun, Kanina naisip ko na sana di na uli maulit yung kagaya ng kahapon. Kaya kanina, bago sapatos ko, sikat nanaman!

Malas, suwerte, parehas lang silang nagbibigay ng kulay sa buhay. Pero ano maspipiliin.

Minalas ako para magkaroon ng bagong magandang sapatos at malaman na ganon ka Waterproof yung Bag ko dahil wala man lang tumagas na tubig palabas, lahat napunta sa gamit sa loob.

Sige gabi na!

Posted by Dukeboxxx on September 23, 2008 at 02:21 PM | MASASABI?

Ngayon pala ang anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law ni Marcos dati. Ewan ko ba, di pa naman ako buhay ng panahong iyon pero isa ito sa mga petsang di ko makalimutan dahil siguro sa sobrang pauulit-ulit sa history subject noong highschool at elementary. Pero para sa akin, sa panahon ngayon parang kailangan din ata natin nyan. Para magdisiplina naman tayo, kasama na ako. Sa tingin ko kasi yan ang isa sa magsisimula para mapaunlad natin Pinas. Syempre ang draw back pag nagMartial Law. Walang pedeng makialam sa pangungurakot ng mga nakaupo. Na isa pang anggulo para ayusin at may pag-asa pang umunlad ang Pilipinas. Politika na rin lang, di ako naniniwala na nangurakot si Villar. Si Lacson ang binoto ko nung huling presidential election pero wala na kong tiwala sa kanya ngayon, halatang halata namang politika lang yun at paghahanda sa 2010. Hehe... Di ako Political Science graduate at nihindi nga maayos yung klase namin dati sa Philippine Constitution pero kahit papaano napagisip-isip ko na rin yung napakarami at parang taling buhol-buhol na dahilan ng patuloy nating paghihirap. Cycle na hindi alam kung san nagsisimula at san nagtatapos. Putek! Kahit minsan naiisip ko rin maging Nationalistic, kahit target kong sa Abroad rin magpayaman tulad ng iba hehe... TRAYDOR!

 

Ayos talaga yung Taken By Cars. Mukang nakahanap na ko ng tugtugang papakinggan. Pati yung Sheila and the Insects naalala ko. Sa totoo nalulupitan din ako dun e. Kaso ang alam ko disbanded na sila ngayon. Trip ko ata ngayon yung mga parang Dynamic Rock, Dance Rock yata. Parang  Daft Punk pero  natural yung mga gamit. Less synthesizer. Tsaka medyo mabigat.  Yung gitara at effects lang nito yung nagpapaganda. Nakakasawa din yung iskalahang tugtog. Masyado nang pudpod.  Minsan gusto kong gumalaw. Ang tanong orig ba o pirata. Wala akong mahanap na madadownloadan ng OPM e. Wala sa Torrent e ayoko naman sa Limewire, puro virus.

Posted by Dukeboxxx on September 21, 2008 at 04:41 AM | MASASABI?

Halos isang taon na tong post ko sa baba a. May mga dinagdag na ko dyan pero dinelete ko ata dahil ayoko yung nakasulat... Wala kasing kwenta... Tinatamad na lang talaga akong magsulat, wala na rin kasing kakaibang nangyayari sa buhay ko tsaka wala akong exposure ngayon sa mga artful things na noong nagbigay sa akin ng inspirasyon para magsulat, pero ngayon nagkakaroon na uli, nagsisimula ko nanamang paganahin ang utak at imahinasyon ko sa pagtingin sa madaming buklod-buklod na letrang nakatatak sa inipong papel na nakadikit sa masmatigas na karton, pati nasa stage pala ako ngayon ng paghahanap ng bagong uri ng musikang papakinggan... Parang ayoko na ng nakagisnan kong mga tugtugin nitong mga nakaraang taon dahil wala akong magustuhan sa mga bago ngayon dahil na rin walang suhestyon kung anong maganda tsaka parang gusto kong malihis sa uso. Mahaba-habang paliwanagan 'to.


Bakit ako naeexpose muli sa artful things? Dahil may pambili na ko. Halos isang taon ko na ng isulat ko yang sa baba at kakatapos ko lang magboard exam nyan. Di pa ko naghahanap ng trabaho nyan. Pangalawang buwan ng 2008 ako nagsimulang pumasok sa kumpanyang isang blog ang katapat para masabi ko ang kuro-kuro at hinanakit ko. Kahit papaano nabili ko na ang ilang sa milyon-milyon kong gustong bilin.

Bakit walang kwenta nangyayari sa buhay ko? Sa totoo lang ngayon ako may kayamanan para gawin ang mga gusto ko gawin dati pa pero may pumipigil sa akin. Ang pagatake ng mga ALIENS. Oo, aliens. Sinakop na nila ako at sila'y nasa sistema ko na. Kelangan ko ng Pulis Pangkalawakan para masugpo sila. Ganda ata gawing Comics nito a. Ang pangalan ng sasakyan nila? PANIC ATTACK ship. Ang tanging makakakontra sa kanila sa pagatake at tuluyang pagsakop sa  EKUD Planet ay ang mga SPACE DOCTORS. Ang problema, ang mga tao sa planetang EKUD ay di pa nakakatawag ng tulong sa SPACE DOCTORS at ang huli naman ay di pa natatagpuan ang una.

Eto na muna, simula nanaman ng BAGONG PANIMULA para mailabas ang ilang basura sa planetang EKUD at maitapon sa madumi pero kinakailangang CYBERSPACE...




Posted by Dukeboxxx on September 20, 2008 at 03:37 PM | MASASABI?
« Newer · »